312

Apr 24, 2020 @ 19:33
By

Murder dapat ‘di homicide – Guanzon sa pulis na nakapatay ng dating sundalo

Kinasuhan ng homicide si Police MSgt. Daniel Florendo ng QCPD matapos barilin si retired Army Cpl. Winston Ragos noong Abril 21 sa isang quarantine control point.

Pero ayon kay women rights lawyer at Comelec Commissioner Rowena Guanzon, murder dapat ang ikinaso kay Florendo at hindi homicide.

Dapat aniyang city prosecutor ng Quezon City ang nagdesisyon nito at hindi nagpaimpluwensiya sa mga imbestigador.

“It should be Murder not homicide . the City Prosecutor of QC should decide this independently and not be infkuenced by the police investigators,” tweet ni Guanzon.


Maikokonsidera na aniyang murder ang unang pagpapaputok ni Florendo dahil walang baril na nakatutok sa kanya, kaya hindi nalagay sa panganib ang buhay nito.

“The video will be the best evidence. The deceased did not have a gun and did not point a gun at the policeman. That pulis should have been arrested or in custody immediately after he killed Ragos,” giit ni Guazon.

“First shot was murder, since no unlawful aggression sa part ni Winston Ragos. Wala siyang baril na tinutok kay Daniel Florendo,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?