27

Dec 28, 2017 @ 17:47
By

Murder case vs 2 suspek sa Fr. Tentorio killing, inatras ng NBI

Iniurong na ng National Bureau of Investigation ang reklamong kriminal laban sa dalawang sibilyan na nauna nilang kinasuhan kaugnay ng pagpatay sa Italyanong pari na si Fr. Fausto “Pops” Tentorio noong October 2011.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, namumuno ng investigating panel, naghain ang NBI ng mosyon kung saan kanilang inuurong ang reklamong murder at attempted murder laban sa magkapatid na sina Jose Sultan Sampulna at Dima Sampulna na kanilang inihain sa North Cotabato Provincial Prosecutor’s Office.

Ito ay dahil sa kawalan umano ng ebidensya laban sa magkapatid na Sampul na base na rin sa nakalap nilang mga testimonya mula sa mga testigo.

Sa halip, iniutos ng lupon na binubuo ng mga piskal at NBI agent ang paghahain ng panibagong reklamong murder laban sa panibagong grupo ng 12 suspek na kinabibilangan nina Lt. Col. Joven Gonzales at Major Mark Espiritu, at umano’y mga myembro ng paramilitary group na “Bagani.”

Matatandaan na si Tentorio ay binaril at napatay noong October 17, 2011 sa Bayan ng Arakan sa Cotabato.

“It was highly improbable for the military personnel not to hear the gunshots which were heard by several witnesses situated inside the school,” ang nakasaad sa investigation report.

Ibinasura naman ng panel ang posibilidad na kunektado sa pulitika ang pagpatay kay Tentorio na kilalang nagtataguyod ng kapakanan ng mga indigenous group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?