68

Feb 5, 2019 @ 18:34
By

‘Murang Kuryente’ bill aprub na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang tinaguriang “Murang Kuryente Bill” sa botong 17 pabor at walang tutol.

Sa ilalim nito, ipambabayad sa mga utang ng National Power Corporation (Napocor) ang P207B na naipon na bahagi ng gobyerno mula sa kita ng Malampaya natural gas project sa Palawan.

Sa ngayon, kasamang nagbabayad ang publiko sa mga utang ng Napocor sa pamamagitan ng universal charges sa buwanang bayarin sa kuryente.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, kapag ito ay naisabatas, mababawasan ng P0.8474 ang bayad sa kada kilowatraheng konsumo ng kuryente.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nag-akda ng panukala, na kapag hindi binayaran ngayon ng Malampaya funds ang mga utang ng Napocor, lolobo ang utang sa P566.2B sa 2026 at aabot ito sa P595.6B sa 2031 na pawang pababayaran sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?