11

Dec 4, 2020 @ 18:49
By

Murang COVID test sa mga gusto mag-Boracay, siniguro ng DOT

Siguradong magiging abot-kaya o hindi kaya’y maging libre pa ang RT-PCR testing para sa mga turista na magpupunta sa Boracay.

Ito’y matapos na mapagkasunduan sa meeting ng Boracay Inter-Agency Task Force na gawing mura ang COVID-19 test para sa mga turista na bibiyahe patungo sa isla.

Kaya naman isu-subsidize o sasagutin ng gobyerno sa pamamagitan ng Tourism Promotion Board ng Department of Tourism ang COVID-19 test ng mga turista.

Sa pakikipag-partnet ng DOT sa UP-Philippine General Hospital, imbes na P3,500 standard charge ang bayad para sa testing ay magiging P1,800 na lamang ito.

Bukod pa dito, nagbigay ng 1,500 RT-PCR test kit ang DOT sa Boracay, at pinapangunahan din ang training para naman sa COVID-19 contact tracing at iba pang tungkol sa pandemya sa mga personnel ng bayan ng Aklan at Malay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,