10

Sep 27, 2020 @ 16:24
By

Murang baboy ginagawang longganisa: ASF kinalat online

Sinisi ng Bureau of Animal Industry ang pagbebenta ng mga meat product online kaya umano nagkakaroon ng African swine fever outbreak sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ayon kay BAI director Ronnie Domingo, nanggagaling umano ito sa mga baboy na ginagawang longganisa para maibenta.

“They no longer transport the whole pig. Instead, they process it, like longganisa, and do online selling,” saad ni Domingo.

“That longganisa was probably made from cheap meat that may be infected with ASF. The seller cannot transport it due to the checkpoints so they just processed it into longganisa,” aniya pa.

Lahad ni Domingo, nakikipag-usap na sila sa mga local government unit para makagawa ng mga ordinansa upang mabantayan ang mga katayan, animal farm at palengke.

Ilang lugar na napasok ng ASF ay ang Batangas, Quezon Province, Laguna at Cavite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?