35

Oct 6, 2021 @ 16:58
By

Mura tinamaan ng pneumonia, natakot sumunod kay Mahal

Nagpatingin sa doktor ang Filipino comedian na si Allan Padua o mas kilalang si Mura dahil nahihirapan siyang huminga.

Isang vlogger ang tumulong kay Mura para makapagpa-check-up sa doktor.

Super bait naman ng doktor at hindi na nagpabayad sa pag-check up kay Mura.

Dito nakumpirma na may pneumonia si Mura sa kaliwang baga niya.

Umaasa si Mura na maaagapan ito at hindi siya matulad sa namayapang kaibigang si Noemi Tesorero o Mahal.

Dumanas din kasi si Mahal ng pneumonia bago ito pumanaw noong August 31. Kinumpirma ng ilang malalapit kay Mahal na nagpositibo ito sa COVID-19.

“‘Yung baga ko nga kasi may parang pulupot na parang ulap, ganun. Papunta daw sa pneumonia. Naalala ko kasi si Mahal, di ba nawala na. Sana maagapan,” saad ni Mura.

Binigyan ng vlogger na si Virgelyn ng tulong pinansiyal si Mura bago sila naghiwalay.

(IS)

Attachments area
Preview YouTube video FINDINGS SAKIT NI MURA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?