628

By

Mura ni Kathryn, pinulutan sa socmed

Hindi maka-get over ang mga netizen sa naging pagmumura ng Kapamilya big star na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang Youtube vlog na may title na ‘We’re in Iceland! (Part 2) | Everyday Kath’, narinig ang natural na pagmumura ni Kathryn habang binabagtas ang isang matarik na daan.

Isang araw pa lang napo-post ang vlog ngunit abot na sa 829,000 ang nakapanood nito.

Sa Twitter naman ay pinagkaguluhan ang nasabing ‘p*tang*na’ ni Kathryn na sinasabing cute daw magmura ang aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?