22

Nov 12, 2021 @ 21:50
By

Muntinlupa sumali sa tanggal face shield

Hindi na rin obligadong magsuot ng face shield sa Muntinlupa City.

Nitong Biyernes inanunsyo ng city government na hindi na oobligahing mag-face shield ang mga tao sa Muntinlupa maliban sa mga ospital at klinika.

Sa inilabas nitong Ordinance No. 2021-290, inalis nila ang paggamit ng face shield dahil sa mataas na porsiyento na ang mga bakunado sa lungsod at bumaba na rin ang kaso nila ng COVID-19.

Ilan sa mga local government unit na nag-alis na ng mandatory face shield ang Maynila, General Santos City, Iloilo, Davao at Cebu City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?