16

Oct 11, 2021 @ 20:33
By

Muntik na! Rebisco kinapos kontra Thai squad

Hindi naprotektahan ng Rebisco – Team Philippines ang two-set advantage at yumukod sa Diamond Food ng Thailand sa limang set, 34-36, 26-24, 28-26, 19-25, 12-15, sa Asian Men’s Club Volleyball Championship ngayong Lunes.

Dikitan ang unang tatlong set ngunit nagawa ng Rebisco na makuha ang second at third set sa likod ng magilas na laro nina Jao Umandal, John Vic De Guzman at Mark Alfafara.

Ngunit sa fourth set ay tila kinapos sa hangin ang Rebisco at umalagwa ang Diamond Food upang mapwersa ang fifth set.

Sagutan lamang ang dalawang koponan sa huling set bago muling lumayo ang Thailand tungo sa panalo.

Dahil dito, wala pa ring panalo sa torneo ang Rebisco at babagsak sa classification phase.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?