17

Aug 2, 2021 @ 19:49
By

Muntik na! Carlos Yulo tumapos ng pang-apat

Abot-kamay na sana ni Carlos Yulo ang medalya sa vault exercise sa Tokyo Olympics ngunit kinapos ang iskor na kanyang nakuha at nagtapos lamang sa ikaapat na pwesto nitong Lunes.

Nakakalap lamang si Yulo ng average score na 14.716, na maliit lamang ang agwat sa 14.733 na iskor ng bronze medalist na si Artur Davtyan ng Armenia.

Nakuna naman ni Shin Jaehwan ng South Korea ang ginto sa iskor na 14.783, samantalang si Denis Abliazin ng Russia naman ang nakakuha ng pilak.

Bagamat nabigo, marami pa ring pinahanga si Yulo lalo na sa kanyang second vault kung saan umani siya ng score na 14.866, na siyang pinakamataas na iskor sa final round.

Sadyang naging mabigat nga lang ang -0.1 na penalty sa kanyang unang vault matapos sumablay sa landing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?