1,142

Nov 16, 2020 @ 17:49
By

Muntik makipagsuntukan! Bayani nagwala sa taping

Grabe ang eksena sa set ng ‘Lunch Out Loud’ matapos na magwala si Bayani Agbayani dahil sa isang co-host!

Sa isang video, maririnig na sinigawan ni Bayani si Billy Crawford at sinabi pang nagalit daw ang asawa ng komedyante sa huli dahil sa hindi pa malinaw na dahilan.

Pinilit pakalmahin ni Billy si Bayani, ngunit umalis na ito sa stage at maririnig ang pagbagsak ng mic.

Hindi pa nahihimasmasan si Bayani at muling nakipagsagutan kay Billy, kung saan parang muntik pang magkasakitan ang dalawa, na buti’y naawat ng mga nakapaligid na staff.

Lahat ng co-host ng TV5 noontime show ay nawindang, kasama na ang kanilang guest na si Valerie Concepcion.

Dapat subaybayan ang ‘Lunch Out Loud’ tuwing tanghali para malaman kung ano nga bang pinag-awayan ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?