43

Sep 7, 2021 @ 16:38
By

Munsayac: PDP-Laban tiwala sa liderato nina Pimentel, Pacquiao

Subok ang pagtitiwala ng mga miyembro ng PDP-Laban sa liderato nina Sens. Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi ni Ron Munsayac, PDP-Laban executive director, sa kabila ng paghahain ng grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) na ideklara ang grupo nina Pacquiao-Pimentel bilang iligal na kinatawan ng party.

“Let me emphasize that the leadership of Chairman Aquilino Koko Pimentel is recognized by the grassroots members and senior leaders of the PDP Laban who have stood by and loyally represented the ideals of the party as envisioned by its founding members since 1982,” sabi ni Munsayac sa isang statement.

“Senator Manny Pacquiao continues to enjoy the confidence of the PDP-Laban stalwarts. Any statement to the contrary is a lame attempt to undermine the public’s trust in his leadership and anti-corruption advocacy,” dagdag pa nito.

Una rito, sinabi ni PDP-Laban Cusi faction secretary general Melvin Matibag na naghain sila ng reklamo laban sa grupo ni Pimentel at Pacquiao dahil sa “usurping party authority and pretending to be representatives of our party.”

“The matter is now with the COMELEC and we will let the established Law, Rules and Regulations prevail. We shall refrain from discussing the specific issues raised in our Petition out of respect to the Commission,” sabi ni Matibag.

Reaksiyon naman ni Pimentel, hindi pa nila nababasa ang inihaing reklamo ng grupo ni Cusi. Nanindigan itong matagal na silang bahagi ng partido na itinatag ng kayang yumanong ama na si dating Senate President Nene Pimentel.

“We need to go over the Petition because I have been with the PDP LABAN since 1980s and I only know of ONE PDP LABAN which my father founded and which I never left together with thousands of party diehards at the grassroots level,” sabi ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?