By

Munisipyo, niyanig ng bomb threat

Sharing is caring!

Halos mayanig ang buong opisina ng Taytay Municipal Hall at Regional Trial Court (RTC) makaraang makatanggap ng bomb threat kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, bandang alas-9:05 ng umaga nang makatanggap ng anonymous call ang Taytay RTC Branch 100 na mayroon umanong bomba sa kanilang gusali at matapos lamang ang ilang minuto ay nakatanggap ng kaparehong tawag ang Public Information Office (PIO) ng municipal hall.

Kaagad namang pinalabas ang lahat ng mga tao sa loob ng dalawang gusali at itinawag sa bomb squad ang insidente upang masiyasat ang gusali laban sa anumang uri ng pampasabog.

Ayon kay Taytay Chief of Police Supt. Samuel Delorino, matapos na matiyak na walang bomba ay naideklara nang ligtas sa anumang eksplosibo ang mga naturang gusali at pinabalik na sa trabaho ang mga empleyado.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung saan nagmula ang tawag.

Nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap ng bomb threat ang mga naturang gusali, at ang unang insidente ay naganap, araw din ng Biyernes, may ilang buwan na ang nakakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?