274
Mungkahing Department of Water, sinopla ng Palasyo
Mar 18, 2019 @ 15:53
By

Mungkahing Department of Water, sinopla ng Palasyo

Tinabla agad ng Malacañang ang mungkahing bumuo ng ahensiyang tututok sa usapin sa tubig na tatawaging Department of Water.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na kailangan pa ang bagong departamento dahil nagawan naman agad ng paraan ang problema sa krisis sa supply ng tubig sa Metro Manila.

Ayon sa kalihim, simple lang ang naging problema pero lumaki ito dahil na rin sa kawalang kakayahan at mismanegement ng water concessionaire .

“Hindi kailangan yan. I don’t think kailangan. Why? Eh iyon lang problema na yon nagawan agad nila ng paraan eh. Simpleng- simple lang ang problema. They created their own problem, and they provide the solution. Its purely inefficiency , mismanagement,” ani Panelo.

Sa halip aniya na magtatag ng departamento, sinabi ng kalihim na dapat magtatag ng water reservoir sa lahat ng lungsod at mga lalawigan sa bansa.

Maaari ring gawing alternatibo ang deep-well at gamitan ng generator para makahihop ng tubig sa halip na umasa lamang sa supply na tubig ng water concessionaires.

Sinabi ni Panelo na pinanood niya ang imbestigasyon ng kamara kaugnay sa naranasang krisis sa tubig noong nakalipas na linggo at naawa aniya ito mga ipinatawag na opisyal dahil ginisa sila ng husto ng mga kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?