71
Mungkahi ng New Zealand Prime Minister sa isyu ng droga, tinabla ng Malacañang
May 2, 2019 @ 18:29
By

Mungkahi ng New Zealand Prime Minister sa isyu ng droga, tinabla ng Malacañang

Sinupalpal ng Malacañang ang mungkahi ni New Zealand Prime Minister Helen Clark na irekonsidera ng Pilipinas ang mga ginagawang hakbang nito kontra sa iligal na droga at sa halip ay ibase ito sa prinsipyo ng human rights.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nauna nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalintulad na mungkahi ng European Union, dalawang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Panelo, kapag babaguhin ng gobyerno ang ginagawang estratehiya kontra iligal na droga ay lalong lalala ang problema ng gobyerno.

Binigyang-diin ng kalihim na talamak ang problema sa Pilipinas na itinuturing na billion peso industry at 97% na ng mga barangay sa buong mundo ay apektado na ng iligal na droga.

Kapag aniya nilibre ang mga kriminal sa pananagutan ay para na ring kinunsinti ng gobyerno ang paggamit ng iligal na droga.

Hinihikayat ng Palasyo ang ibang bansa na intindihin muna ang estratehiya ng Pilipinas sa pagtugon sa problema sa iligal na droga bago maniwala sa mga umano’y one-sided information at bumuo ng komentaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?