63

Jul 28, 2021 @ 15:14
By

Multi-milyonarya Hidilyn wala pang mauuwian – manager

Bagamat uulan ng biyaya para kay Hidilyn Diaz pagbalik niya ng bansa Miyerkoles ng gabi, wala raw itong matutuluyan sa ngayon, ayon sa kanyang manager na si Noel Ferrer.

Sa isang Instagram post, kinuwento ni Ferrer na wala ng titirhan si Diaz sa Maynila dahil inalisan na nito ang dating tinutuluyang condo malapit sa Rizal Memorial Stadium.

“The irony of it all is that she doesn’t have a place to stay in after. She has given up the condo unit in front of the Rizal Memorial Stadium that she was renting because she had to leave for training and competitions abroad,” pahayag ni Ferrer.

Dagdag pa nito, hindi rin bongga ang pagbaba ni Diaz sa airport dahil walang presscon upang hindi ito maging super-spreader event. Agad ding didiretso si Diaz at ang kanyang team sa hotel para sa mandatory na pitong araw na quarantine.

Kaya naman ang tutuluyan ni Diaz pagkatapos ng quarantine ang pinoproblema sa ngayon.

Dahil kahit pa may mga kompanya nang nagbigay ng condo at bahay kay Diaz bilang premyo, may proseso pa raw bago ito matirhan.

“We have a champion without a home, yet! But still, welcome home Hidilyn!” saad pa ni Ferrer. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?