59

Dec 29, 2017 @ 19:15

Multang P5K, kulong sa lalabag sa firecracker ban sa QC

Multang P5,000 at isang taon na pagkakakulong ang haharapin ng lalabag sa firecracker ban sa Quezon City.

Ayon ito kay Quezon City Police District (QCPD) Director PS/Supt. Guillermo Eleazar, kung saan maaaring patawan ng multa o pagkakulong o pareho ang mahuhuling lumabag, depende pa sa pagtataya ng korte.

Nagsagawa ang QCPD ng pag-iikot sa mga tindahan ng paputok sa Araneta Center sa Cubao at tinignan ang permit ng mga ito.

Sabi ni Eleazar, 69 villages sa siyudad ang itinalaga nila bilang firecracker zones.

Kabilang dito ang sa Sangandaan, Tandang Sora, North Fairview, Greater Lagro, at Old Balara, Batasan Hills..

Partikular na gagawing firecracker zones ang mga plaza, parke at iba pang bukas na lugar.

Samantala, nagreklamo naman ang ilang vendors sa mababang benta ngayong taon, ‘di tulad ng nakaraang taon.

Ang iba umano kasi ay natatakot nang bumili dahil sa firecracker ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?