137

Dec 11, 2017 @ 21:32
By

Multa sa traffic violations, tataas ng hanggang 600%

Nagkaisa na ang mga Metro Manila mayors na gawing magkakatulad na ang sinisingil nilang multa sa paglabag sa mga batas trapiko.

Nabatid na ang pagtaas sa multa ay para sa Top 20 traffic violations.

Sa huling Metro Manila Council (MMC) meeting nagkasundo ang mga alkalde na sundin ang pinakamataas na multa na ipinapataw ng LGUs sa partikular na traffic violations.

Ayon kay Cris Saruca ng MMC secretariat, sakaling gamitin ng city council ang MMC resolution ay itataas mula sa dating P150 ang P1,000 na multa para sa lalabag sa closed-door policy para sa mga bus.

Ito aniya ang nangunguna sa mga paglabag sa batas trapiko.

Narito ang iba pang mga rekomendasyon para sa fine adjustment:

-disregarding traffic signs: mula P150 magiging P500
-nagmamaneho nang walang lisensya: mula P750 magiging P1,000
-illegal o unauthorized counterflow: mula P2,000 magiging P5,000
-illegal parking: mula P200 magiging P1,200
-paglabag sa motorcycle lane: mula P500 magiging P2,000
-walang OR/CR: mula P150 magiging P500
-obstruction: mula P150 magiging P500
-reckless driving, second offense: mula P750 magiging P2,000
-reckless driving, third offense: mula P1,000 magiging P2,000
-tumirik na sasakyan: mula P500 magiging P2,000
-paglabag sa truck ban: mula P500 magiging P2,000
– unregistered motor vehicle: mula P450 magiging P5,000
-paglabag sa number coding: gagawing pantay na P500 sa kada lungsod
-no loading/unloading: mula P150 magiging P750. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?