87

Multa ni Tubid, 3 pa binawasan ni Marcial

Apat na player sa pangunguna nina Ronald Tubid at Kelly Nabong ng San Miguel ang binawasan ng multa ng Philippine Basketball Association mula sa kanilang mga pagkakasala.

Ayon kay PBA Commissioner Willie ang hakbang niya sa pagkaltas sa fine nina Tubid at Nabong ay sanhi sa pagbahagi nila sa PBA Homecourt Outreach Project 3×3 & free throw shooting nitong Huwebes sa tatlong Barangay sa Sampaloc, Manila.

Pinasimulan ang programa ni Marcial nitong isang taon lang bilang bahagi ng corporate social responsibility ng pro league bukod pa sa mailapit pang lalo sa masa ang unang play-for-pay league sa Asia.

Inihayag ni Marcial na kasama na sa pagbawas ng multa kapag bumahagi ang basketbolista sa community service ng PBA. Parehas na P75,000 each ang fine ng dalawa kalakip ang tig-3 game suspension, habang mas maliit ang kina James Sena at Abu Tartter ng kapwa Blackwater.

Nanakit sina Tubid at Nabong sa naganap na insidenteng Spider-Man sa Philippine Cup Finals nitong Mayo. Si Sena ay sa flagrant foul penalty 2 sa nagka-sprain na si Jeff Chan ng Ginebra, at si Tratter sa flopping sa laban sa TNT kamakailan lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?