21

Jun 21, 2021 @ 12:23
By

Multa na olats pa! Embiid, 76ers dapa sa Hawks

Pinagmulta ng NBA si Joel Embiid ng Philadelphia 76ers ng $35,000 matapos ang tulakan nila ni Atlanta Hawks forward John Collins sa game 6 ng kanilang serye.

Ayon sa liga, si Embiid ang naging dahilan ng kanilang altercation, kung saan parehas silang tinawagan ng technical foul.

Bukod dito, nilabag rin daw ng 76ers center ang panuntunan ng NBA pagdating sa security interview pagkatapos ng naturang laro.

At bagamat naipanalo ng Philadelphia ang game 6, muling nanaig ang Atlanta Hawks sa game 7 nitong Lunes (oras sa Pilipinas).

Umiskor si Trae Young ng 21 points at namahagi ng 10 assists upang dalhin ang Hawks sa Eastern Conference Finals matapos ang kanilang 103-96 na panalo sa game 7.

Kakalabanin ng Hawks ang Milwaukee Bucks. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?