99
Multa at parusa sa Manila Water, pinag-aaralan pa – MWSS
Mar 19, 2019 @ 15:12
By

Multa at parusa sa Manila Water, pinag-aaralan pa – MWSS

Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na maaari silang magpataw ng kaparusahan laban sa Manila Water Co., dahil sa water service interruptions nito simula Marso 8.

Ito ang sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty sa isinagawang pagdinig ng Senado hinggil sa water shortage na nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal nitong Martes.

Pero sinabi ni Ty na kailangan pang hintayin nila ang Hunyo o Hulyo para makabuo ng desisyon na magpaparusa sa east zone concessionaire.

Hindi naman nagbigay ng direktang sagot si Ty nang tanungin uli ni Senate President Vicente Sotto III kung posible ring pagmultahin ang Manila Water.

“We don’t want to say right now, yes or no, because any statement I make right now can be used against the MWSS. Right now, we want to wait until June or July,” aniya.

Dagdag pa niya, pinag-aaralan na umano ng MWSS ang pagpaparusa at kung magkano ang multa na ipapataw nila sa Manila Water.

“Normally, in a normal situation, we wait for the next rate rebasing, but we do not need to wait because of this unprecedented situation, this is the first time that this has happened. We can do that and we are studying it right now. We are actually also studying right now the amount of the penalty that would be imposed which can be rebated,” aniya.

Matatandaang ginisa ang MWSS chief regulator dahil sa nauna nitong pahayag na walang penal provision sa concessionaire agreement na nag-aawtorisa sa MWSS na magpataw ng multa at parusa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?