1,598

Feb 21, 2020 @ 12:14
By

Mula Arroyo hanggang Duterte: Joey Salceda balimbing – mga netizen

Sa niluluto na ‘balimbing ban’ sa Kongreso, kumalat ang mga larawan ni Albay Representative Joey Salceda na paiba-iba ng ineendorso sa mga nagdaang eleksyon.

Sa tweet ni The Professional Heckler, masisilayan si Salceda na kasama si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, dating presidential candidate Gibo Teodoro, ex-President Noynoy Aquino, at kasalukuyang Pangulo Rodrigo Duterte.

“I don’t know who needs to hear this, but no other Bicolano has this “range”” saad sa tweet ni Salceda.

Noong 2010 kung kailan patapos na ang termino ni Arroyo ay iniwan ni Salceda ang partido nitong Lakas-Kampi-CMD para sumapi kay Aquino, na dating magkakampi noong nasa Ateneo pa.

Bago ito ay kanyang hayagang sinuportahan si Gibo para sa pagka-Pangulo, ngunit natuloy ang paglipat nito sa Liberal Party na nanungkulan bilang Bicol regional chairman para sa partido.

Noong 2016 naman ay nag-iba ang ihip muli ng hangin para kay Salceda, iniwan naman ang Liberal Party na pinangungunahan na nina Mar Roxas at Vice President Leni Robredo, para kina Senador Grace Poe at ngayo’y Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Paliwanag ni Salceda, sa siyam na buwan na kampanya ni Roxas ay hindi umano ito dumaan sa Albay, na naging isa sa dahilan ng kanyang paglipat-bakod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?