254

By

Mukhang virus! SEA Games mascot Pami pinagtawanan sa social media

Virus, tumor, scoop ng ice cream – ilan lang ‘yan sa mga naging puna sa official mascot ng Southeast Asian Games 2019 na si Pami.

Sa Twitterverse ay may gumawa ng isang account para kay Pami, hindi para purihin ito kundi kutyain dahil sa kakaiba nitong itsura.

Patuloy na binanatan ng Twitter user ang kakulangan sa kamay ni Pami, ang iba pa ay pinuna din ang mata nito na mukha raw puyat at nagdo-droga.

Ngunit ang talagang binanatan ng mga netizen ay mukha raw itong virus dahil sa bilog na itsura nito at ang iba ay nagtataka dahil tila tinipid ang disenyo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?