404

Mar 6, 2020 @ 13:58
By

Mukha ring haggard: Sarah G may sugat sa paa

Walang duda na makinis ang kutis ni Sarah Geronimo lalo’t alaga ito ni Dra. Vicky Belo, at ngayon ay paniguradong hindi hahayaang madungisan ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.

Ngunit sa isang larawan ay napansin ng ilang netizen na may sugat ang popstar sa kanang binti nito, na nagpa-picture kasama sina Belo, anak nitong si Scarlet Snow at ang si Matteo.

Ang post ay mula sa IG ni Dra. Vicky, na kinuhanan noong nakaraang linggo sa clinic sa Bonifacio Global City, Taguig.

“Kawawa naman idol ko sarah g gamutin mo yang sugat mo sana mawala na,” sey ni daverozen.

“yung mga ngiti at yung mga kamay kaso may sugat,” ayon naman kay popsterzendymae.

Marami din ang nakapuna na tila haggard umano ang face ni Sarah G, kung ano-ano tuloy ang naiisip ng mga netizen mula kulang lang sa pahinga ang pop star, o baka preggy na daw ito.

“Bakit parang mukhang haggard si Sarah. Naku Matteo baka naman kain lang pahinga nyo ha,” tingin ni ellarmaine.

“Haggard nga si Sarah bka nga preggy,” sambit naman ni piaangagao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?