271

Dec 30, 2017 @ 15:30

Mukha nina Ninoy, Cory nawawala sa P500 bill

Matapos maging viral ang “faceless” P100, lumutang din sa social ang ilang perang papel na kulang-kulang ang detalye.

Sa report ng 24 Oras ng GMA 7, napaulat na wala din ang mukha ng yumaong Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at asawa nitong si dating Pangulong President Corazon “Cory” Aquino sa P500 bill.

Sabi ni Robin Villapanda Fetalvo, na-withdraw niya ang pera noong Setyembre at ang asawa nito ang nakapasin na walang mukha ng mag-asawang Aquino sa nasabing pera.

Bukod diyan, wala din umano ang pangalan ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando M. Tetangco, Jr.

Medyo malabo din umano ang letra ng “Republika ng Pilipinas”.

Sabi ni Fetalvo, itinago na lang umano niya ang pera bilang collectors’ item.

Samantala, naiulat din na wala naman ang mukha ni dating Pangulong Sergio Osmeña Sr. sa P50 bill na ipinost naman ng isang Ozius Dahc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?