37

Apr 7, 2021 @ 21:53
By

Mukha ni Vico Sotto itinampok sa palayan

Tampok si Pasig City Mayor Vico Sotto sa rice paddy art ng FutureRice Farm, na binansagang unang rice agricultural tourism site sa Pilipinas.

Ayon sa FutureRice Farm, na tumutulong sa mga magsasaka sa rice research and development, kinilala nila ang pagsusulong ng alkalde sa urban agriculture.

Nag-organisa rin daw ang opisina ni Sotto ng architecture design competition na layong i-promote ang urban farming.

Ang kompetisyon ay nag-iimbita sa mga kabataang Pilipino na gawing taniman ang mga nakatiwangwang lamang na lupain sa Pasig City.

Saludo rin sila sa suporta ni Sotto sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbili sa mga taga-Benguet ng gulay.

LOOK: Owing to popular demand, this year’s rice paddy art features one of the 12 global anti-corruption champions: Mayor…

Posted by FutureRice Farm on Monday, April 5, 2021

Kabilang sa mga naitampok na sa palayan na matatagpuan sa Nueva Ecija sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo pati na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Coco Martin at namayapang aktor Fernando Poe Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?