16

By

Mukha ni Solenn hindi nagaya, Paolo nilait ng mga fan

Sharing is caring!

Like some famous celebrities, ginaya rin ni Paolo Balleste­ros ang My 2 Mommies co-star niya na si Solenn Heussaff at nagkaroon din siya ng makeup transformation, pero siyempre, may ibang mga nang-iintriga na hindi naman talaga niya nagaya ang hitsura ng sexy actress/TV host.

Hindi raw nakuha ni Paolo ang hitsura ni Solenn sa makeup transformation na ‘yon.

Pero in fairness to Paolo naman, mukhang sinadya naman niya na hindi talaga kopyahing­ mabuti ang hitsura ng kanyang My 2 Mommies co-star dahil sabi nga niya, siya ay si GASOLENN HEUSSAFF at hindi naman si Solenn mismo, huh!
Saka kahit naman si Solenn, hindi ba ginaya rin si Paolo at nauna pa ngang nag-makeup transformation (na medyo hawig naman ng Eat Bulaga host).

Kung si Solenn naman ang tatanungin, naaliw siya sa makeup transformation ni Paolo na ginagaya nga siya.

Saka kahit sa set daw ng My 2 Mommies noong ginagawa pa nila ‘yon, aliw na aliw na rin daw talaga si Solenn kay Paolo.

Actually, dahil nga sa My 2 Mommies, na­ging mas close pa ang da­lawa.
Sa May 9 na nga pala ang showin­g ng My 2 Mom­mies na may special participation si Maricel Soriano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?