31

Mukha ni Obama kilala ng tupa

Sharing is caring!

Baka mas matalino pa kaysa inaakala natin ang tupa dahil marunong itong kumilala ng mukha ni dating US President Barack Obama kapag ipinakita sa kanya ang larawan nito, ayon sa isang pag-aaral sa natu­rang hayop.

Bukod kay Obama, kabilang ang Harry Potter actress na si Emma Watson, British TV host Fiona Bruce, at American actor Jake Gyllenhaal, sa apat na celebrity na ginamit sa pagsu­bok sa tupa.

“We chose these people because there were lots of images of each person available on line, both front-on and taken at different angles,” ayon kay Jennifer Morton ng University of Cambridge na kasama sa may-akda ng nasabing pag-aaral.

“We also chose them because we were sure that our sheep had never met them in person!” sabi pa ni Morton.

Walong tupa ang sina­nay ng grupo nina Morton para kilalanin ang mga pamosong mukha mula sa ipinakitang larawan sa kanila.

Tuwing pipili ang tupa ng mukha ng isang celebrity mula sa ibang imahe na ipinapakita sa kanila ay ginagantimpalaan ito ng pagkain.

Sa mga sumunod na pagsubok ay natuto nang kilalanin ng tupa ang mukha ng mga celebrity na ipinapakita sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?