184

Sep 18, 2021 @ 14:36
By

Mukha ni Kisses nagkalat sa EDSA

Bongga ang suporta ng mga fan kay Kisses Delavin.

Inisponsoran kasi ng DonKiss fandom ang maraming billboard sa EDSA para isorpresa ang kanilang lodi na Miss Universe Philippines Top 30 finalist.

“Gracing the Streets before the Universe. Let’s celebrate #KissesDelavin’s journey to the crown as we send her our love and well wishes around the Metro with 6 MAJOR LED BILLBOARDS,” saad sa Facebook post ng DonKiss fandom.

Makikita ang mga billboard tampok si Kisses sa EDSA Galleria Corporate Center, EDSA GA Tower, EDSA Guadalupe, EDSA Magallanes at MOA Globe.






Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?