23

Jan 8, 2021 @ 19:23
By

Mukha ni Heart bumida sa New York

Hindi makapaniwala si Heart Evangelista na bibida ang mukha niya sa iconic Times Square sa New York, US.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Heart na nagising na lamang siyang nasa digital billboard na ng Times Square ang mukha niya.

โ€œWaking up with my face in Time Square NY is so surreal,โ€ caption ni Heart sa shinare na video ng nasabing billboard


Ayon sa aktres, ang billboard ay advertisement niya para sa Ia’s Threads by Ia Faraoni.

Magugunitang noong November, napabilang si Heart sa โ€œTop 10 most fashionable influencers in the worldโ€ ng Forbes France.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?