76

By

Mukha ni George nagkalat sa L.A.

Sharing is caring!

Ngayong papalapit na ang Hulyo 6, petsa kung saan maaari nang pumirma ng bagong kontrata ang mga free agent, todo na ang panliligaw hindi lang ng mga koponan pati na rin ang fans sa mga bigating free agent.

Isang abogado mula Los Angeles, California ang nagpatarak ng 40 billboard para ikalat sa buong Los Angeles, California para makumbinsi si superstar Paul George sa kampo ng LA Lakers.

Ang pasimuno, si Attorney Jacob Emrani na sinimulan ang pakulo noon pang Marso na idinamay pa si Cavaliers star LeBron James.

“I feel like it is extremely important for Paul George to see these and see how Lakers Nation is so excited about bringing him home,” ani Emrani.

Nalalapit na ring malaman ang desisyon ni 5-time NBA All-Star George na napapabalitang ipapalabas sa three-part documentary ng SportsCenter na magsisimula Miyerkoles sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?