4,015

Dec 14, 2017 @ 18:11

Mukha ni Duterte sa OFW ID, babaklasin

Bukas ang Department of Labor and Employment (DOLE) na baguhin ang disenyo ng iDOLE ID Card na ipinamamahagi sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ito ay makaraang mabatikos ang kasalukuyang disenyo ng iDOLE ID Card na may mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DOLE Undersecretary Dominador Say, ipagpapatuloy nila ang pag-aaral sa aesthethic aspect ng ID at kung kailangang baguhin ay papalitan nila ang disenyo.

“May continuing process of review. We will continue to review the aesthetics of the ID, kung kailangang baguhin, magpapalit ng design,” saad ni Say.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?