75

Sep 25, 2021 @ 20:54
By

Mukha ni Dick sa ambulansya ng Red Cross pamumulitika – Duterte

Patuloy na umiinit ang iringan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Richard Gordon sa harap ng patuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga biniling medical supplies ng gobyerno.

Tinawag ng Presidente na ” cheap political gimmick” ang mga nakabalandrang mukha ni Gordon sa mga ambulansya ng Philippine Red Cross.

Hindi naman aniya pag-aari ni Gordon ang mga ambulansya kaya nagtataka ang Presidente kung bakit mukha ng senador ang nakalagay sa mga ito.

“Kasi itong kay Gordon, iyong mga ambulansiya may mukha niya. Actually it’s a cheap political gimmick,” anang Pangulo.

Matatandaang tinawag ni Gordon ang Presidente na “cheap politician” dahil sa mga banat sa kanya at mga pasabog sa mga isyung may kinalaman sa Philippine Red Cross.

Sinabi ni Pangulong Duterte na bahala na ang publiko na magsabi kung sino ang “cheap” sa kanila ni Gordon dahil ang senador lang naman aniya ang nagpapaskel ng mukha niya sa mga ambulansiyang hindi naman nito pag-aari.

“I’m wondering why ako na ngayon ang naging cheap politician na itong isang bright boy sa Olongapo, iyong mukha niya, iyong mga ambulansya niya, nandyan yung mukha niya,” dagdag ng Pangulo.

Tinanong din ng Pangulo si Department of Health Secretary Francisco Duque III kung ginagawa ba niya ito sa mga ambulansya ng DOH na sinagot ng kalihim na masama ito at hindi niya ito gawain.

“Wala po sir, hindi pi natin gawain yun sir. Masama po yun,” ani Duque sa Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?