3,980

Mar 5, 2020 @ 17:54
By

‘Mukha’ ng Frontrow, ‘di pumuti sa Luxxe White

Inamin ni Dave Villanueva na hindi ang produkto ng Frontrow ang naging dahilan ng kanyang pagputi at pagpogi.

Sa ‘Raffy Tulfo in Action’, binunyag ni Villanueva na walang katotohanan ang kanyang mga binahaging istorya na Luxxe White ang kanyang ginagamit na produkto para pumuti.

Saad pa nito, isang beses lang siya sumubok na gamitin ang nasabing produkto ngunit hindi itinuloy dahil hindi ito effective sa kanya.

Hindi pa siya miyembro ng Frontrow ay nagpapaputi na siya, kaya nang mag-viral umano ang kanyang itsura ay tinawagan siya ni RS Francisco, owner ng Frontrow Enterprise Philippines, Inc, para maging isang endorser.

“Isang beses lang po ako nakapag-try ng product nila. Tapos minessage po ako ng may-ari ng Frontrow. ‘Yun po ang totoo,” ayon kay Villanueva.

Biro pa nito, pananalig daw ang nagpaputi sa kanya at hindi Frontrow product.

Sa kanilang kasunduan, tinuruan umano siya ng mga sasabihin, isa na rito ang pag-amin niya na gumagamit siya ng Luxxe White kahit hindi totoong ‘yon ang nagpaputi sa kanya.

Pinatayuan din siya ng billboard para sa kanyang transformation, ngunit ayon kay Villanueva ay wala siyang natanggap na kahit piso mula dito, at tanging one-year supply ng Frontrow product lang ang kanyang natanggap.

Ginamit din umano siya sa ilang show, partikular ay ang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ sa GMA-7, ngunit kahit dito ay hindi siya nabayaran,

“Mga kojic soap, collagen, galing pong Japan. Tsaka gluta po ng ibang company,” saad ni Villanueva sa kanyang mga ginagamit na pampaputi.

Kung titingnan ang website ng Frontrow ay si Villanueva pa rin ang ginagamit para ma-promote ang Luxxe White.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?