32

Sep 3, 2020 @ 16:48
By

MTRCB gusto kontrolin mga palabas sa Netflix

Hinikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga senador bumuo ng polisya kung saan papagayan silang i-regulate ang laman ng international streaming site Netflix, iFlix at iba pang streaming provider.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, sinabi ni MTRCB Legal Affairs Division chief Jonathan Presquito na mandato nilang suriin ang lahat ng motion picture na pinapapalabas sa Pilipinas.

“Stream services like Netflix are video on demand platforms. We have to regulate those platforms. We have to ensure that those materials being shown on those platforms are compliant with MTRCB laws,” pahayag ni Presquito sa komite.

“MTRCB has jurisdiction of that content regardless kung saan mo siya pinalabas… Just because sa internet siya pinalabas, hindi na siya covered ng MTRCB law,” dagdag pa nito.

Una rito, inihayag ng Netflix na nakapagtala sila ng 16 milyon bagong subscriber sa unang quarter ng 2020 dahil na rin ipinatupad ng lockdown o community quarantine bunsod ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, nagdadagan ng 27 porsiyento ang kita ng Netflix o $5.7 bilyon sa buong mundo.

Bagama’t walang tanggapan ang Netflix sa bansa, sinabi ni Presquito na siguradong may negosyo sila dito sa bansa sa pamamagitan ng pagkolekta ng subscription fee mula sa mga Pinoy

Sabi ni Presquito, kahit sa ibang bansa, tulad ng South Korea ay nire-regulate o kinokontrol nila ang laman ng Netflix.

“Sa South Korea, lahat ng content ng Netflix dumadaan sa prior review. We don’t want that kind of review,” sabi ni Presquito.

Sinabi naman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel, chairman ng Senate committee on trade and commerce na pag-aaralan ng Senado kung maipapatupad ang panukala ng MTRCB na irebyu ang online streaming content.

“Kailangan pag-isipan natin yan. It’s either we update our laws to catch up with technology or we enforce our archaic laws and hold back technological progress,” sabi ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?