7

By

MTB Dormitorio gold sa Malaysia

Sharing is caring!

BINALEWALA ang makupad na simula at napakainit na araw ni Ariana Dormitorio upang ipagkaloob sa Pilipinas ang women elite Olympic cross country gold medal sa kapapadyak na third leg ng 2018 Asia Mountain Bike Series sa Keningau, Sabah, Malaysia.

Tinapos ng 22-anyos na dalaga ang 16.8km bike race sa 1 oras, 2 minuto at 22 segundo upang makalikom din ng 30 karagdang International Cycling Union 30 points para matiyak ang pag-angat sa kasalukuyang katayuan sa ika-89 na puwesto sa world MTB elite level.

Sunod sa radar ng Ilongga pedalpusher na nagka-minor injury sa kanyang right calf na nagpabagal sa diskarte niya, ang 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Ika-4-5 lang sina Eleazar Barba at John Derrick Farr sa men elite downhill category, habang pang-6 si Lea Denise Belgira sa women elite downhill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?