381

Nov 30, 2021 @ 17:12
By

Mt. Pinatubo sumabog

Nakapagtala ng “mahinang pagsabog” nitong Martes ang Mt. Pinatubo.

Ayon sa advisory ng Phivolcs, nakapagtala ang Pinatubo Volcano Network ng “seismic and infrasound signals of a weak explosion at Mt. Pinatubo between 12:09 p.m. and 12:13 p.m.”

Nagdulot ang pagsabog ng plume o usok na na-detect ng Himawari-8 Satellite at ini-report sa DOST-Phivolcs ng Tokyo Volcanic Ash Advisory Center.

Saad pa ng Phivolcs, ang naitalang “seismic at infrasound signals” ay hindi karaniwang proseso ng bulkan at kasalukuyang sinusuri kasama ang ibang potensiyal na source tulad ng aircraft activity, ordnance disposal at iba pa.

Nagbabala ang Phivolcs sa publiko na iwasang magtungo sa mga bisinidad ng bulkan.

Inabisuhan din ang mga local government unit na ipagbawal ang pagpapapasok sa Pinatubo Crater hanggang sa mabatid ang pinagmulan ng pagsabog ng bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?