68

Dec 13, 2017 @ 18:35

Mt. Kanlaon nilindol ng 578 beses — PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 578 volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon sa Negros Island nitong nakalipas na 24 oras.

Sa ipinalabas ng bulletin ng PHIVOLCS, nakapag din sila ng 800-meter na taas na pagbuga ng puting usok mula sa tuktok ng bulkan.

Tiniyak naman ng PHILVOCS na hindi makaapaekto sa pagbuga ng usok ng bulkan ang Tropical Depression Urduja.

“Walang epekto ang pag ulan sa bulkan mismo pero ang huling activity ng Kanlaon ay nangyari nung Sabado nung nagkaroon ng steam-ridden explosion o phreatic eruption kung saan ang tubig ulan ay magkaroon ng interaction sa mainit na bato o kaya ay gas galing sa ilalim,” ayon kay PHILVOCS chief Renato Solidum.

“Maliban sa lindol, may pressure na nakikita at ang gas na mas marami kaysa dati, from below 100 minsan ay 800 tons per day,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?