28

Jun 7, 2021 @ 15:49
By

MSC 2021: Blacklist giniba Bigetron, Aldous ni Wise nagpakilala!

Nanatiling walang talo ang Aldous ng Blacklist International kahit kalaban ang bigating koponan mula Indonesia.

Sa kanilang unang match sa 2021 Mobile Legends Southeast Asian Cup (MSC), ginamit ni Danerie ‘Wise’ Rosario ang kanyang signature pick na Aldous.

Sinubukan ng Bigetron Alpha na tapatan ang kakaibang pick ng Blacklist at gumamit ng Kimmy sa midlane sa first game.

Ngunit hindi ito naging epektibo, lalo’t lagi lang napipitas ang Kimmy ni Renbo ng Paquito ni Edward Jay ‘Edward’ Dapadap.

19-5 ang naging tambak ng Blacklist sa Bigetron sa unang game, sinubukang makabawi ng 2nd placer sa MPL Indonesia sa sumunod na laro ngunit doon na nagbuhat si Wise.

Sa ika-13 minuto ng laban ay napunta sa Blacklist ang momentum matapos makuha ni Wise ang Luminous Lord na naging mitsa sa pagbagsak ng Bigetron.

Tinanghal na MVP si Wise sa Game 2 na may 83 percent kill participation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?