26

May 31, 2020 @ 15:07
By

MRT3 handa na sa balik-operasyon bukas

Nag-test run ngayong araw ang Metro Rail Transit Line 3 bilang preparasyon sa pagbabalik-operasyon nito bukas.

Bukas, Hunyo 1, ang unang araw ng pagsailalim ng Metro Manila sa mas maluwag na general community quarantine, mula sa kasalukuyang modified enhanced community quarantine.

Sa isang ulat, sinabing markado ang mga upuan sa loob ng tren para mapanatili ang physical distancing.

Naglagay din ng marker sa pila, at nagpaskil ng paalala ng distansya sa iba’t ibang lugar sa istasyon ng tren.

Ayon sa Department of Transportation, sa ulat, 20% lang ng kabuuang kapasidad ng tren o tanging 160 pasahero ang papayagang sumakay sa kada biyahe bilang pag-iingat sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?