MRT

MRT3 balik-aberya na naman, 1K pasahero pinababa

Sharing is caring!

Matapos ang dalawang linggong maayos na serbisyo, muli na naman sumablay ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 matapos pababain ang 1,000 pasahero bunsod ng hindi pagsara ang pintuaan ng tren.

Sa ulat ng dzBB, nangyari ito alas-8:00 Biyernes ng umaga subalit agad namang nakasakay muli ang mga pasahero nang dumating ang isa pang tren, apat na minuto makalipas ang aberya.

Ito ang unang naitalang kapalpakan ng MRT 3 matapos sumailalim ng maintenance service noong Mahal na Araw.

Sabi ni Aly Narvaez, media relations officer of MRT3, ang aberya ay bunsod nang posibleng pagsandal ng mga pasahero sa pintuan ng tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?