60
MRT
Feb 21, 2018 @ 11:26
By

MRT tumirik sa Guadalupe, 900 pasahero pinaglakad

Nagsimula na naman ang aberyang nagaganap sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) makaraang 900 pasahero ang pinababa at pinaghintay sa north bound ng Guadalupe Station northbound, kahapon ng umaga.

Sa report ng pamunuan ng MRT, nagkaroon na naman ng problema ang tren bandang 8:40 ng umaga na kung saan nagkaroon daw ng electrical failure ng motor, diagnostic panel failure at depektibong aircon.

Tila naintindihan naman ng ilang pasahero ang sitwasyon ng MRT kaya sumunod na lang sila sa abiso nito na bumaba at makakasaya din naman sa susunod na tren.

Ayon kay Maricel Matic, regular na pasahero ng MRT, “Sinisiguro din naman yata nila ang kaligtasan ng mga pasahero kaya pinababa na lang kami, palagi naman pong ganyan sa MRT, sanayan na lang.”

“Konting tiis lang at malapit na pong maayos ang mga tren ng MRT.” Ito naman ang sinasabi ng mga security guard ng MRT sa Guadalupe station na kung saan ay binibigyan ng pag-asa ang mga mananakay sa susunod na pagbabago ng mga tren ng MRT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?