68

Dec 3, 2017 @ 17:23
By

MRT tumirik naman sa Cubao

Muli na namang nadismaya ang mga commuter sa pagtirik ng MRT nang huminto ito bandang 11:26 kahapon ng umaga sa southbound ng Cubao station dahil sa technical problem.

Sawang-sawa na ang mga commuter sa iba’t ibang alibis ng pamunuan ng MRT subalit wala sila ng magawa dahil ito ang mabilis na access patungo sa kanilang pupuntahan dahil sa grabeng trapik sa kalsada partikular na sa Edsa.

Kabilang na dito ang problema sa automated train protection (ATP) system, technical problem, sinabotahe daw, at iba pa pero, no choice ang mga commuters.

Ayon kay May Anne Obligacion, isa sa commuter ng MRT, “Tiis lang daw ang ginagawa nila pero hanggang kailan”.

Isa naman commuter ang nagsabi na “Sana naman ay matapos na ang problema ng MRT. Iwasan na ang corruption sa gobyerno, mga taong bayan naman ang paahunin sa kahirapan.”

Sabi naman ng pamunuan ng Department of Transportation (DoTR), inaasikaso na nila ang mga nagaganap na sunud-sunod na aberya ng MRT at LRT at asahan na magbabago na ito sa susunod na taon dahil binawi na ng DOTr ang maintenance ng MRT nitong Oktubre mula sa Busan Universal Rail Inc. dahil sa madalas na mga aberya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?