48

Dec 14, 2017 @ 13:43
By

MRT tumirik na naman, libong pasahero pinababa

Muli na namang nagpababa ng mahigit 1,000 pasahero ang southbound train ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 dahil sa paulit-ulit na technical problem kaninang umaga sa GMA Kamuning Station.

Ayon sa pamunuan ng MRT, punuan ang lahat ng bagon dahil na rin sa rush hour kaya posibleng bumigay na naman ito na naganap bandang alas-8:18 ng umaga.

Dagdag pa nito, technical problem ang kanilang paliwanag dahil na rin sa electrical failure sa motor ng tren na nagdudulot ng pagkasira ng sub-components tulad ng regulator, insulators, chopper at carbon brush na kailangan na talagang maayos.

Paliwanag naman ng mga opisyal ng Department of Transportation-MRT, halos 16 na tren ng MRT ay may diperensiya na.

Kaugnay nito, matapos pababain ang mga pasahero, inabot ng anim na minutong ang paghihintay ng mga ito bago muling nakasakay sa kasunod na tren sa GMA-Kamuning station.

Samantala, dalawang beses nang tumirik ang MRT, Miyerkules ng alas-9:44 ng gabi dahil din sa technical problem sa Boni northbound at alas-10:08 ng gabi sa northbound ng Annapolis station kaya naman pagdating sa umaga ay panibagong aberya na naman ang naranasan ng mga commuter na posibleng konting ayos lang ay ibiniyahe na pagdating ng umaga ang mga tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?