ABANTE mrt3 kamuning tumirik again
By

MRT tumirik na naman, 180 pasahero pinababa sa Kamuning

Sharing is caring!

Matapos ang tatlong araw na walang pagtirik, muli na namang nagka-aberya sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na kung saan 180 pasahero ang pinababa kaninang umaga, Linggo.

Nagpababa ng mga pasahero nang tumirik na naman tren sa north bound ng GMA-Kamuning Station bandang 9:15 ng umaga dahil umano sa technical problem.

Ayon sa pamunuan ng MRT, huminto ang tren dahil sa pagtuloy na pagsira ng motor nito at pinababa ang mga pasahero , pinaghintay at nakasakay din makalipas ang apat na minuto ay dumating na ang tren.

Kaugnay nito, humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 at ang Department of Transportation (DOTr) sa patuloy na pagkakaroon ng aberya ng tren ngunit asahan ang pagbabago makaraang makumpleto na ang mga materyales at tiyak na magiging maayos na ang takbo ng mga tren at serbisyo sa publiko. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?