43

MRT train tumirik na naman, mga pasahero pinababa

Sharing is caring!

Muling na namang nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 nitong Biyernes ng umaga dahil sa technical problem, dahilan para pababain ang mga pasahero.

Sa tweet ng Department of Transportation-Metro Rail Transit, pinababa ang mga pasahero alas-9:04 ng umaga sa southbound ng Santolan Station.

Ang insidente ay Category 2, na ibig sabihin ay pinalitan ang nasiraang tren.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa abalang idinulot ng insidente.

Nangyari ang aberya, ilang minuto matapos tiyakin ni Department of Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez ang reliable pa naman umano ang mga tren ng MRT 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?