67

Sep 11, 2018 @ 20:12
By

MRT-rik ulit: 700 pasahero pinaglakad sa riles

Makalipas ang limang araw, muling nagpababa ng mga pasahero ng MRT.

Sa impormasyon mula sa Department of Transportation, ala-6:19 ngayon gabi nang huminto at hindi na umabot sa Magallanes Station ang isang tren ng MRT.

Sinabi na electrical failure sa motor ng tren ang sanhi ng pagtirik.

Bunga nito, napilitan ang may 700 pasahero na bumaba at maglakad sa gilid ng riles at nakasakay sila ng muli ng tren makalipas ng 29 minuto.

Noong nakaraang Huwebes ng gabi, isa din MRT train ang nagbaba ng may 750 pasahero sa Buendia Station dahil din sa katulad na kadahilanan.

Humingi naman agad ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa mga naperwisyong mga pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?