ABANTE mrt stranded pasahero
By

MRT-rik sa umaga, 200 pasahero pinababa

Sharing is caring!

Muling nagkaaberya ang umagang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaninang alas-5:37 ng umaga sa Quezon Avenue Station.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nagkaroon ng aberya sa southbound ng Quezon Avenue Station kung saan muling nagpababa ng mahigit 200 pasahero.

Nagkaroon umano ng electrical failure sa motoring system ng tren kaya pinababa na lamang ang mahigit 200 pasahero at nakasakay naman muli makalipas ang limang minutong paghihintay.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Quezon Avenue Station sa mga naabalang pasahero at sinabing nakahanda na ang mga tren para sa gagawing ‘general overhaul’ ngayong Holy Week kaya asahan na wala nang magaganap na aberya sa susunod na buwan. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?