19

By

MRT-rik na naman, 750 pasahero pinababa

Sharing is caring!

Muling nagkaroon ng aberya ang Metro Rail Transit (MRT) matapos na muling tumirik dahil sa electrical failure na kung saan aabot sa 750 pasahero ang pinababa, kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ng Department of Transportation (DOTr), nagkaroon ng electrical failure sa sub-components ng tren na patungong north bound ng Buendia station bandang alas-9:45 Huwebes ng gabi, Setyembre 6.

Hindi na pinagtagal pa at pinababa na lamang ang mga pasahero at makaraan ang 27-minuto ay pinasakay na muli ang mga pasahero sa panibagong tren habang ang iba naman ay umalis na lamang at piniling sumakay ng bus.

Sa ngayon ay isinasailalim na sa preventive maintenance at replacement ng electrical components ang nasirang tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?