27

By

MRT operation, itigl muna – Alfred Vargas

Sharing is caring!

Kinatigan ni Quezon City Rep.. Alfred Vargas ang panawagang ihinto muna ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-3 dahil sa masamang kondisyon ng mga tren.

Ayon kay Vargas, mas mabuting ayusin muna ang mga problema ng MRT para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Bilang alternatibo, iminungkahi ng kongresista na magbukas na lamang ang Department of Transportation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ng counterflow zipper lane sa EDSA para magamit ng Point-to-Point bus system.

“P2P bus is a better option, at least for now, while DOTr is fixing the technical aspect of train system,” sabi ni Vargas.

Naniniwala ang kongresista na magiging epektibong mass transportation ang P2P kung magiging maginhawa ang biyahe dito ng commuters. Pero magiging possible lang anya ito kung gagamit ng counterflow zipper lane tuwing rush hour sa halip na bibigyan lamang ng escort na mga tauhan ng Land Transportation Office at Highway Patrol Group.

Umaabot sa 50,000 hanggang 110,000 ang commuters ng MRT tuwing rush hour.

Tinaya ni Vargas na aabot lamang ng 20 minuto ang biyahe ng P2P buses kung meron itong sariling lane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?